Saturday, November 6, 2010

Charice to sing in NBC with Mariah Carrey and Josh Groban


Bibirit na naman si Charice sa isang extravaganza na taunang palabas sa New York City. Ito ay ang Christmas in Rockefeller Center na gaganapin sa November 30, 2010, kung saan kakanta din ang mga sikat na singers na sina Mariah Carrey, Jessica Simpson, Josh Groban at Sheryl Crow. “Parang kailangan ng malupit-lupit na kanta dito. Biritan na ito!” excited na pahayag ni Charice. (Yahoo! Philippines, PEP)